Nasabat sa Balintawak Market, Quezon City ang humigit-kumulang 1,400 kilo ng mishandled frozen meat at 10 kilo ng galantina sa operasyon ng National Meat Inspection Service (NMIS) at Criminal Investigation and Detection Group (CIDG).
Umaabot sa mahigit ₱353,000 ang tinatayang halaga ng mga nakumpiskang produkto.
Sampung stall ang sinita at inisyuhan ng confiscation receipt. Dadalhin ang mga nakumpiskang produkto sa rendering facility para sa kaukulang disposal. | via Jim Tejano

