Tiniyak ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) na nananatiling ligtas at operational ang General Santos International Airport matapos ang magnitude 6.4 na lindol na tumama sa ilang bahagi ng Mindanao nitong Huwebes, Oktubre 8.
Ayon sa CAAP, agad na nagsagawa ng inspeksyon ang kanilang mga tauhan sa runway, taxiway, apron, terminal, control tower at iba pang pasilidad ng paliparan.
Walang nakitang pinsala sa mahahalagang pasilidad, habang nananatiling maayos ang supply ng kuryente at mga sistema ng komunikasyon.
Normal din ang operasyon ng mga naka-iskedyul na flight. Tiniyak din ng ahensya na walang naitalang pinsala sa Cotabato Airport at Davao International Airport.
📷: CAAP



