Bumaba sa “poor” ang net satisfaction rating ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. matapos makapagtala ng -11 sa third-quarter survey ng Social Weather Stations (SWS), mula sa -7 o “neutral” noong Hunyo 2026.
Batay sa survey na isinagawa noong Setyembre 21–27, nasa 46% ng mga adult Filipino ang hindi nasiyahan, habang 35% ang nasiyahan sa performance ng Pangulo at 20% ang undecided.
Bumaba ang net satisfaction rating ni Marcos sa Luzon, Visayas at Metro Manila.



