“MY HEART BREAKS FOR ALL THE ARTISTS AND CREATIVES.”
AI NA BA ANG PAPALIT SA HUMAN TALENT? Nagpahayag ng pagkabahala ang voice-over artist na si Inka Magnaye matapos ibahagi na nawalan ng voice-over project ang kaniyang inang si veteran voice artist na si Lindy Pellicer dahil pinili ng isang malaking brand na gumamit ng artificial intelligence (AI) sa halip na human voice artist.
Dahil dito, nanawagan si Magnaye sa mga kumpanya na isaalang-alang ang epekto ng paggamit ng AI sa kabuhayan ng mga artist at creative professional.
Para kay Magnaye, dapat magsilbing katuwang ang AI sa paggawa ng content, hindi kapalit ng talento ng tao na nagbibigay ng emosyon, character, at buhay sa sining at musika.
📷: Inka Magnaye


