Ipinakilala ng Stanford University ang “Namjooning: And Other Well-Being Inspiration from BTS,” isang course na hango sa mga interes ni Kim Namjoon o RM, tulad ng pagbibisikleta, pagbabasa, pagbisita sa mga art museum at kahiligan sa kalikasan. Gagamitin ang mga ito bilang bahagi ng pag-aaral tungkol sa mental health at well-being.
Tatalakayin din sa klase ang anxiety, self-love, sleep, exercise at healthy lifestyle habits. Bukod sa pag-aaral ng scientific research, gagawa ang mga estudyante ng final project inspired by RM's solo album na “Indigo.”
Ayon sa Stanford, naging inspirasyon din ang madalas na pagbabahagi ni RM ng kaniyang pananaw tungkol sa mental health.



