Magpapatupad ang Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) ng three-month closed season sa sardine fishing sa ilang bahagi ng bansa mula Disyembre 1, 2026 hanggang Marso 1, 2027.
Saklaw nito ang siyam na bay sa Fisheries Management Area 9 (FMA 9), kabilang ang Macajalar, Gingoog, Iligan, Panguil, Murcielagos, Butuan, Sogod, Cogtong at Guindulman Bays. Layunin ng fishing ban na bigyan ng panahon ang sardinas na dumami at makapagparami matapos bumaba ang kanilang populasyon dahil sa overfishing.
Kabilang sa mga ipinagbabawal na fishing gear ang ring nets, drift gillnets, purse seines at scoop nets. Ang mga lalabag ay maaaring pagmultahin at kumpiskahan ng mga huling isda at gamit sa pangingisda alinsunod sa batas.
📸: Reuters


