Isinusulong ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) ang Project Airbag bilang tugon sa posibleng epekto ng El Niño sa susunod na taon.
Ayon sa NGCP, layunin ng proyekto na maglagay ng battery storage system upang makatulong na matugunan ang pangangailangan sa kuryente. Mag-iimbak ang mga baterya ng kuryenteng magagamit kapag mataas ang demand o kulang ang supply, lalo na sa panahong mababa ang produksiyon ng solar at hydroelectric power plants.
Gayunman, sinabi ng ahensya na kailangan pa rin ang pagtatayo ng mga bagong planta ng kuryente upang matugunan ang lumalaking demand.
