Tinawag ng Department of Foreign Affairs (DFA) na “regrettable” ang mga pahayag ng ilang opisyal ng gobyerno tungkol sa China. Iginiit ng ahensya na ang Pangulo ang nagtatakda ng foreign policy ng bansa at dapat iwasan ang magkakaibang pahayag tungkol sa patakarang panlabas ng Pilipinas.
Samantala, iminungkahi ni Vice President Sara Duterte ang pagbuo ng team ng mga diplomat at negosyador upang talakayin ang West Philippine Sea at maiwasan ang paglala ng tensyon sa China.
Binigyang-diin naman ni Defense Secretary Gilberto Teodoro Jr. ang kahalagahan ng deterrence at pagpapanatili ng presensya ng militar sa Kalayaan Island Group.
Nanawagan din si dating mambabatas Robert Ace Barbers na maghanda ang mga Pilipino ng pagkain, tubig, gamot at iba pang pangunahing pangangailangan na sapat para sa unang 72 oras ng emergency.

