Nasungkit ng 20-anyos na si Alekhine Nouri ang titulong International Master matapos talunin si IM Michael Concio Jr., sa huling round ng 7th ASEAN+ Individual Chess Championships sa Misamis Occidental noong Nobyembre 8.
Nagtapos si Nouri sa ikatlong puwesto na may anim na puntos, matapos manguna sa tiebreak scores sa six-way tie. Samantala, nagkampeon ang Indian player na si Shrivatri Anuj na nakakuha ng pitong puntos at direktang nakamit ang Grandmaster title.



