Pasok sa final round ng Women's Taijiquan Combined si Filipina athlete Angel Polo matapos pumuwesto sa ikatlo sa overall standings na may kabuuang 18.456 puntos.
Muling sasabak si Polo sa final round bukas, Nobyembre 3, sa pag-asang makasungkit ng medalya sa 2026 Dakar Youth Olympic Games.
Gaganapin ang Taijishan Final sa ganap na 6:38 p.m. at ang Taijiquan Final sa 12:29 a.m. ng Nobyembre 4 (oras sa Pilipinas).


