Muling tiniyak ng United States ang suporta nito sa Pilipinas, lalo na sa usapin ng seguridad at pagpapanatili ng kapayapaan sa Indo-Pacific region.
Ito ang mensahe ni US Ambassador to the Philippines Lee Lipton kasunod ng pagbisita ni US Secretary of War Pete Hegseth sa Cebu para sa ASEAN Defense Ministers’ Meeting-Plus.
Ayon kay Lipton, ipinakita ng pagbisita ni Hegseth ang hangarin ng administrasyong Trump na patatagin ang mga alyansa at palawakin ang pagtutulungan ng mga bansa sa Southeast Asia.
Binigyang-diin din ng ambassador ang matibay na ugnayan ng Pilipinas at US sa ilalim ng 75-taong Mutual Defense Treaty (MDT).
Kabilang sa mga layunin ng kasunduan ang pagtatanggol sa soberanya ng dalawang bansa, pagprotekta sa kanilang mga teritoryo, at pagpapanatili ng kalayaan sa paglalayag.
📸: USEmbassyPH


