Maaaring makaranas ng pagbagal ng daloy ng trapiko sa ilang kalsada sa Metro Manila mula Nobyembre 4 hanggang 7, sa mga oras na 10 p.m. hanggang 5 a.m., ayon sa Department of Transportation (DOTr).
Ito ay dahil sa paglilipat ng isang Tunnel Boring Machine (TBM) ng Metro Manila Subway Project na manggagaling sa Pasig City at dadalhin sa Shaw Boulevard Station.
Pinapayuhan ang mga motorista na dumaan sa mga alternatibong ruta.
📸: DOTr



