Nasunog ang isang oil refinery sa Visakhapatnam, India, nitong Lunes ng gabi, Nobyembre 2.
Ayon sa mga awtoridad, nagsimula ang apoy malapit sa tangke na naglalaman ng Ruf Pitch Oil kaya mabilis na lumaki ang sunog.
Wala namang naitalang nasugatan o nasawi sa insidente.
Sinisiyasat pa ng mga opisyal ang sanhi ng sunog at tinitingnan kung may posibilidad na sumabog ang tangke.
📹: RT News

