Dinadayo ng mga turista nitong long weekend ang sikat na Taytay Falls sa Majayjay, Laguna dahil sa malamig at preskong tubig nito sa kabila ng mainit na panahon dulot ng Super El Niño.
Ayon sa mga opisyal ng Barangay Taytay, hindi gaanong ramdam sa kanilang lugar ang matinding init dahil sa malamig na tubig mula sa natural na bukal at mapunong kapaligiran.
Patuloy rin umano ang pag-aani ng iba’t ibang gulay na dinadala sa Metro Manila at karatig-lugar.
📸: via Antonio Lagunoy Jr


