Nagbabala ang Office of the Vice President (OVP) sa publiko laban sa mga indibidwal na nagpapakilalang empleyado nila o kinatawan ng OVP nang walang kaukulang awtorisasyon.
Partikular na nilinaw ng ahensya na walang kaugnayan sa kanila si “Nievefe Numeron.” Wala rin silang proyektong nangangailangan ng pirma sa kontrata kapalit ng certification.
Nanawagan naman ang OVP sa mga posibleng biktima ng mga nagpapanggap na empleyado nila na agad itong i-report sa mga awtoridad para maaksyunan.
📸: OVP
| via Madelyn Moratillo


