Inaresto ang isang 34-anyos na lalaki matapos umanong saksakin ang isang aso at atakihin ang rumespondeng pulis sa Barangay Cembo, Taguig City.
Batay sa ulat, humingi ng tulong ang mga tauhan ng barangay matapos umanong saksakin ng suspek ang aso gamit ang kitchen knife.
Nang habulin ng mga pulis, binato umano niya ang mga ito at nagtangkang saksakin ang isang pulis na nagtamo ng mga sugat.
Narekober sa lugar ang isang 15-pulgadang kutsilyo. Nailigtas naman ang aso at naibalik sa may-ari nito.
Inihahanda na ang mga reklamo laban sa suspek kaugnay ng paglabag sa Animal Welfare Act, direct assault, disobedience to a person in authority, at alarms and scandals.
Nasa kustodiya siya ng pulisya habang sumasailalim sa medical observation.


