Nakatanggap ang National Privacy Commission (NPC) ng abiso mula sa St. Luke’s Medical Center tungkol sa umano’y data breach.
Ayon sa ospital, natukoy nito ang hindi awtorisadong pag-access sa isang platform na sumusuporta sa kanilang mobile application. Posible umanong naapektuhan ang personal na impormasyon ng ilang pasyente at empleyado.
Tiniyak ng NPC at ospital na iniimbestigahan nila ang insidente.


