Nasakote sa isang operasyon sa Sultan Kudarat ang itinuturing na No. 1 most wanted person sa rehiyon ng PRO-BAR at dating miyembro ng DI-Hassan Group.
Kinilala ang suspek sa alyas na "Borgo", na nahaharap sa mga kasong double murder, multiple frustrated murder, carnapping at theft. May mga warrant of arrest ito mula sa mga korte sa Maguindanao del Sur.
Nasa kustodiya na ng Criminal Investigation and Detection Group Regional Field Unit 12 ang suspek para sa dokumentasyon at kaukulang proseso.


