Nagmartsa ang mga katutubong Aeta sa Bataan upang tutulan ang mining exploration sa mahigit 1,400 ektaryang lupain na bahagi ng kanilang ancestral domain.
Ayon sa representative ng Sangguniang Bayan ng Mariveles, inaprubahan umano ng Mines and Geosciences Bureau ang 25-taong renewal ng dalawang mining corporation kahit hindi pa tapos ang proseso ng free, prior and informed consent (FPIC) ng mga katutubo.
Nanawagan ang mga Aeta sa pamahalaan na itigil ang eksplorasyon ng Balanga-Bataan Minerals Corporation at Benguet Mining Corporation sa kanilang lupaing ninuno.
Nakibahagi rin sa protesta ang ilang civil society organizations bilang bahagi ng paggunita sa ika-29 na National Indigenous Peoples Month.
📹: NFMB | via Larry Biscocho


