Arestado ang dalawang lalaki matapos masamsam ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) at Ipil Municipal Police Station ang 35 master cases ng sigarilyong walang graphic health warnings sa Barangay Poblacion, Ipil, Zamboanga Sibugay noong Oktubre 29.
Tinatayang nagkakahalaga ng ₱1.715 milyon ang mga nakumpiskang sigarilyo, ayon sa mga awtoridad.
Ayon sa CIDG, isinagawa ang operasyon bilang bahagi ng kampanya laban sa ilegal na bentahan at pagpupuslit ng mga produktong tabako. Nahaharap ang mga suspek sa kaukulang kaso.


