Umabot na sa 162 pamilya o 573 indibidwal ang inilikas mula sa mga barangay na sakop ng 6-kilometer Permanent Danger Zone (PDZ) ng Bulkang Mayon sa Camalig, Albay. Kabilang dito ang mga residente ng Barangay Anoling at Quirangay na dinala sa mga itinalagang evacuation center.
Kasunod ito ng pagtaas ng PHIVOLCS sa Alert Level 3 mula sa Alert Level 2.
Pinapayuhan ang mga residente na manatiling alerto at umiwas sa danger zone dahil sa posibilidad ng panibagong pagputok, pagbuga ng abo at uson, at pagdaloy ng lahar kapag may malakas na pag-ulan.
| via Eddie Ojano



