Hindi dadalo si dating Pangulong Rodrigo Duterte sa ikalimang status conference ng International Criminal Court (ICC) sa Nobyembre 2 matapos aprubahan ng Trial Chamber III ang kahilingan ng kaniyang mga abogado.
Sa dokumentong may petsang Oktubre 30, sinabi ng depensa na naghain sila ng kahilingan noong Oktubre 28 at inaprubahan ito ng korte kinabukasan. Hindi naman nakasaad ang dahilan ng pagliban ni Duterte.
Ito na ang huling status conference bago simulan sa Nobyembre 30 ang paglilitis sa kaniya kaugnay ng kasong crimes against humanity.
Samantala, mahigit 100 pang indibidwal ang naghain ng aplikasyon upang kilalaning mga biktima sa kaso. Idadagdag sila sa 539 na kinilala na ng korte noong pretrial stage.


