Nasawi ang dalawang indibiduwal habang ilang miyembro naman ng kanilang pamilya ang sugatan matapos bumagsak ang dalawang matandang puno ng mangga dahil sa malakas na ulan at hangin sa Purok 31, Sitio San Miguel, Catalunan Grande, Davao City, nitong Huwebes ng gabi, Oktubre 29.
Batay sa ulat ng pulisya, kabilang sa mga nasawi ang isang 29-anyos na security guard na nakatira sa bunkhouse at nagtamo ng matinding tama sa ulo. Nasawi rin ang isang 38-anyos na water delivery worker na isinugod sa ospital ngunit hindi na naisalba.
Agad namang ginamot sa ospital ang iba pang miyembro ng pamilyang nagtamo ng mga sugat. | via Haydee Jipolan



