Sinuri sa pamamagitan surprise drug testing ang daan-daang bus at van driver, kasama ang mga konduktor, sa Davao City Overland Transport Terminal at mga satellite van terminal sa lungsod.
Isinagawa ang aktibidad bilang bahagi ng Oplan Biyaheng Ayos bilang paghahanda sa inaasahang pagdami ng mga biyahero ngayong long weekend.
Layunin nitong matiyak na walang driver o konduktor na nasa impluwensiya ng alak o ilegal na droga habang nasa biyahe, upang maiwasan ang mga aksidente sa kalsada. | via Mesach Eros Javier
📷: Davao City Overland


