Ligtas nang nakabalik sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ang flight PR462 ng Philippine Airlines (PAL) matapos makaranas umano ng technical problem, kahapon, Huwebes, Oktubre 29.
Patungo sanang Busan, South Korea ang eroplano nang mapilitan itong bumalik sa NAIA dahil sa naturang aberya.
Ayon sa mga awtoridad, walang naitalang sugatan o nasawi sa lahat ng 173 pasahero. Pansamantala silang dinala sa isang hotel habang inaayos ang kanilang biyahe.



