LALAKING TUMULONG SA PAG-AAPULA NG SUNOG SA ZAMBOANGA CITY, SUGATAN
Nasunog ang kanang braso ng isang lalaki matapos niyang tangkaing iligtas ang 14 na magkakatabing bahay sa Villa Village, Barangay Sta. Maria, Zamboanga City, nitong madaling araw ng Huwebes, Oktubre 29.
Ayon sa lalaki, tumulong siya na maglabas ng gamit mula sa bahay ng kanilang kaibigan, ngunit natamaan ang kaniyang braso ng apoy.
Wala pang kumpirmasyon mula sa Bureau of Fire Protection sa bilang ng mga nasunog na bahay at lawak ng pinsala. Samantala, nagpaabot na ng tulong ang LGU sa mga pamilyang apektado ng sunog na pansamantalang nananatili sa evacuation area ng Barangay Sta. Maria. | via Angel Dumaboc


