Arestado ang isang lalaki sa isinagawang drug buy-bust operation ng Regional Drug Enforcement Unit sa Pagadian City, Zamboanga del Sur.
Nasamsam mula sa suspek ang mahigit tatlong gramo ng hinihinalang shabu at buy-bust money.
Nahaharap siya sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 at kasalukuyang nasa kustodiya ng pulisya.
Via: Eric Bachiller


