Umabot na sa 68 ang nasawi matapos magbanggaan ang dalawang tren sa Urda, Spain nitong Miyerkules, Oktubre 28, ayon sa mga awtoridad. May 80 katao rin ang nasugatan, kabilang ang 15 na nasa malubhang kalagayan.
Batay sa paunang imbestigasyon, pinayagan umanong bumiyahe ang isang tren kahit naka-ilaw ang red sign na nagsasabing dapat itong huminto dahil may nakahintong tren sa unahan.
Patuloy pa ang imbestigasyon ng mga awtoridad upang matukoy ang eksaktong dahilan ng aksidente.
📷 Reuters

