Isa sa mga suliraning kinakaharap ng ilang mangingisda sa Claveria, Cagayan, sa gitna ng nararanasang El Niño ay ang kakaunting huli ng mga isda.
Mula sa dating ₱1,000 na kita kada laot, bumaba sa ₱300 hanggang ₱400 na lamang ang naiuuwi ng isang mangingisda para sa kaniyang pamilya, ayon sa naging panayam ng NET25 News and Information.
Sa pagbabago ng kondisyon ng tubig at paghina ng huli, nanganganib ang pang-araw-araw na kabuhayan ng mga pamilyang umaasa sa pangingisda.
Via: Jim Tejano

