Pumalo sa ₱5.006 bilyon ang naitalang pinsala at pagkalugi ng sektor ng agrikultura sa Cagayan Valley dahil sa El Niño, ayon sa Department of Agriculture (DA) Regional Field Office.
Kabilang sa mga apektado ang mga tanim na palay, mais, kamoteng-kahoy at iba pang high-value crops.
Samantala, umabot na sa ₱2.58 bilyon ang halaga ng tulong pang-agrikultura na ipinamahagi ng DA sa mga lalawigan ng Cagayan, Isabela, Nueva Vizcaya at Quirino mula Hulyo hanggang Oktubre 2026.
Via: Jim Tejano

