Nakatakdang humarap sa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) si dating BARMM parliament member Sultan Edrieza Nasser Rimbang sa Nobyembre 5. Si Rimbang ang umano’y financier sa planong pagpapasok sa Pilipinas ng 521 kilo ng shabu mula sa Laos.
Ayon kay PDEA spokesperson Atty. Joseph Calulut, nangako ang mga abogado ni Rimbang na ihaharap siya sa ahensya sa susunod na linggo.
Dalawa pang persons of interest, kabilang si Abdulkarim Macalatas na sinasabing consignee ng shipment, ang hindi pa tumutugon sa subpoena ng PDEA.


