Nagtamo ng minor injuries ang isang Pilipino matapos magbanggaan ang dalawang tren malapit sa Urda, Spain, nitong Miyerkules, Oktubre 28.
Ayon sa Philippine Embassy in Spain, dinala sa ospital ang Pinoy na hindi pa ibinibigay ang pagkakakilanlan.
Patuloy rin ang pakikipag-ugnayan ng embahada sa mga awtoridad upang alamin kung may iba pang Pilipinong sangkot sa aksidente.
📷 Reuters


