Kinuwestiyon ng Commission on Audit (COA) ang Philippine Statistics Authority (PSA) dahil sa nawawalang kagamitan ng gobyerno na nagkakahalaga ng ₱12.98 milyon.
Ayon sa COA, hindi matukoy ng tatlong regional offices kung nasaan ang ilang PhilSys registration kit at mga kagamitang gaya ng laptop, scanner at monitor.
Pinakamalaki ang halaga ng nawawalang gamit sa National Capital Region (NCR), na umabot sa ₱10.05 milyon. Nasa ₱2.8 milyon naman sa CALABARZON o Region IV-A, habang ₱130,118 sa Central Luzon o Region III.
Sa kasalukuyan, nagsasagawa ng imbestigasyon ang PSA upang matukoy ang kinaroroonan ng mga nawawalang kagamitan.


