Nasunog ang isang bangka na may kargang 150 galon ng gasolina habang nakaangkla sa isang pribadong pantalan sa Baliwasan Seaside, Zamboanga City, pasado alas-9 kagabi.
Ayon sa dalawang lalaking sakay nito, nag-spark umano ang plug ng isang makina nang paandarin ito, na naging sanhi ng sunog. D dadalhin sana sa Isabela City, Basilan ang mga kargang gasolina.
Walang naisalbang galon ng gasolina at hindi na rin mapakinabangan ang nasunog na sasakyang pandagat. Wala pang inilalabas na detalye ang Bureau of Fire Protection Zamboanga hinggil sa halaga ng pinsala.
Via: Ely Dumaboc


