Inilunsad sa Bustos, Bulacan, ang Sustainable Crayfish Farming Training Seminar upang ipakilala sa mga magsasaka ang crayfish farming bilang alternatibong kabuhayan sa harap ng nakaambang Super El Niño.
Ayon sa pangulo ng San Pedro Agricultural Association, mas maliit ang puhunan at espasyong kailangan sa pag-aalaga ng crayfish, at mas kaunti rin ang tubig na ginagamit kumpara sa ilang pananim.
Pinangunahan ng Crayfish Organization of the Philippines ang pagsasanay kasama ang Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR).
Ayon naman sa pangulo ng organisasyon, umaabot sa ₱1,200 hanggang ₱1,500 kada kilo ang farm-gate price ng crayfish, habang ₱2,000 hanggang ₱2,500 kada kilo ang presyo nito sa merkado.
Via: Nori Fidel


