Mahigpit na ipinatutupad ng Land Transportation Office (LTO) Region 10 ang mga batas sa transportasyon sa Northern Mindanao dahil sa inaasahang pagdagsa ng mga pasaherong uuwi sa kani-kanilang probinsya simula bukas hanggang weekend.
Sumailalim na sa inspeksyon ng LTO at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang mga driver ng mga bus na bumibiyahe sa rehiyon.
Sinusuportahan naman ng Rural Transit ang mahigpit na pagpapatupad ng mga regulasyon ng LTO at Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) upang matiyak ang kaligtasan ng mga pasahero.
Via: Richard Dela Cruz


