Timbog ang isang 22-anyos na lalaki sa ikinasang drug buy-bust operation ng pulisya sa Barangay Kapatagan, bayan ng Vincenzo Sagun, Zamboanga del Sur.
Nakumpiska mula sa suspek ang ilang sachet ng hinihinalang shabu at buy-bust money na ginamit sa operasyon.
Posibleng maharap ang suspek sa kasong paglabag sa Republic Act No. 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
Nasa kustodiya na siya ng pulisya para sa kaukulang dokumentasyon at disposisyon ng kaso.
Via: Eric Bachiller


