Maaaring suspendihin ng mga paaralan ang face-to-face at online classes kapag umabot sa 42°C pataas ang heat index, basta't makipag-ugnayan muna sa kinauukulang local government unit (LGU), ayon sa Department of Education (DepEd).
Sa ilalim ng DepEd Memorandum No. 64, s. 2026, nakabatay sa lokal na kondisyon ng init ang desisyon sa pagsususpinde ng klase.
Kapag nasa 33°C hanggang 41°C ang heat index, suspendido ang face-to-face classes at ililipat sa home-based learning activities. Kapag 42°C pataas, suspendido na rin ang home-based activities.


