Nauwi sa pagtatalo ng mga magulang ang isang softball game ng mga 12-anyos na batang babae sa Sugar Land, Texas. Ito ay matapos umanong hampasin ng isang tatay ng metal na bote sa mukha ang isang lalaki, na nawalan ng malay at nagtamo ng mga pinsala sa bungo at panga, pati pagdurugo sa utak.
Ayon sa pulisya, nakita sa video ang pananakit ng isang tatay, taliwas sa pahayag niyang ginawa niya ito upang ipagtanggol ang sarili.
Nakisali rin ang kaniyang asawang assistant principal ng isang paaralan sa pananakit sa isa pang lalaki. Pareho silang inaresto at kinasuhan ng assault causing bodily injury.
Nagtamo rin ng bali sa balakang ang isang lolo na nagtangkang umawat sa gulo. Nagbitiw naman ang babae sa kaniyang trabaho bilang assistant principal matapos ang insidente.
📹 RT News

