Pinayuhan ng BAN Toxics ang mga magulang at mamimili na iwasang bumili ng unauthorized squishy toys na “Squishy Delicious” dahil hindi pa ito dumaan sa mandatory FDA notification process.
Maaaring may mga delikadong kemikal na matatagpuan sa mga laruan na posibleng makasama sa kalusugan at development ng mga bata.
May mga nauna ring product recall sa United Kingdom at United States matapos matukoy ang mataas na konsentrasyon ng benzene sa kahalintulad na squishy dumpling toys.
Hinimok ng BAN Toxics ang mga kinauukulang ahensya na tiyaking hindi kakalat sa merkado ang mga produktong maaaring magdulot ng panganib sa mga bata.


