Bubuksan muli ng Commission on Elections (Comelec) ang pagpaparehistro ng mga botante sa Nobyembre 10 bilang paghahanda sa 2028 national at local elections.
Ayon kay Comelec Chairperson George Garcia, tatagal ang pagpaparehistro hanggang Hulyo 30, 2027.
Hinihikayat ng Comelec ang mga hindi pa rehistradong botante na magparehistro. Pinapayuhan din ang mga rehistrado na i-update ang kanilang impormasyon, gaya ng civil status at tirahan, bilang paghahanda sa halalan.
📷 Comelec


