Asahan ang dagdag-singil sa pamasahe sa eroplano matapos itaas ng Civil Aeronautics Board (CAB) sa Level 17 ang fuel surcharge para sa Nobyembre 1 hanggang 15.
Katumbas ito ng ₱559 hanggang ₱1,635 fuel surcharge para sa domestic flights, habang ₱1,846.10 hanggang ₱13,726.58 naman para sa international flights.
Mas mataas ito kaysa sa dating singil sa ilalim ng Level 16.


