Iniimbestigahan ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) ang sunod-sunod na pagkamatay ng mga Philippine tarsier sa kahabaan ng Cacaransan-Saputan Road sa Calbayog City, Samar.
Ikaapat na tarsier na ang natagpuang patay sa lugar ngayong taon matapos maiulat ang panibagong insidente noong Oktubre 22. Kabilang sa mga posibleng dahilan na sinusuri ang pagkasira ng tirahan ng mga hayop at iba pang sanhi na may kaugnayan sa kapaligiran o gawain ng tao.
Hinihikayat ang publiko na agad iulat ang mga nasugatan o patay na wildlife.


