Asahan ang pagtaas ng presyo ng ilang agricultural products dahil sa paghina ng piso kontra dolyar, ayon sa Department of Agriculture (DA).
Paliwanag ng DA, mas malaking halaga ng piso ang kakailanganin para makabili ng parehong dami ng mga inaangkat na produkto gaya ng bigas at abono. Bumagsak sa lampas ₱64 kada dolyar ang piso sa intraday trading noong Miyerkules, Oktubre 28.


