Itinurn-over sa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Surigao del Norte Provincial Office ang isang brick ng hinihinalang marijuana na may bigat na humigit-kumulang isang kilo kahapon, Oktubre 28.
Ayon sa ulat, isang express company ang nag-turn over ng naturang item sa mga awtoridad. Tinatayang nagkakahalaga ito ng ₱75,000 batay sa street value, habang nasa ₱120,000 naman ang standard drug price.
Isinailalim sa inventory ang nakumpiskang ebidensiya. Ipapadala rin ito sa laboratoryo para sa chemical testing upang matukoy ang komposisyon nito. Patuloy ang imbestigasyon ng mga awtoridad kaugnay ng insidente. | via Jabes Juanite


