Sisimulan ng Department of Public Works and Highways (DPWH) ang pagkukumpuni sa southbound lane ng EDSA ngayong alas-10 ng gabi, Oktubre 30 hanggang Nobyembre 1.
Saklaw nito ang bahagi mula NEPA Q-Mart Bus Station, lampas sa Kamuning Flyover, hanggang Guadalupe.



