Nasunog ang kanang braso ng isang lalaking residente matapos niyang tangkaing iligtas ang 14 na magkakatabing bahay sa Villa Village, Barangay Sta. Maria, Zamboanga City, nitong madaling araw ng Huwebes, Oktubre 29.
Ayon sa lalaki, hinila niya palabas ang malaking foam ng kama mula sa bahay ng kanilang kaibigan, ngunit naputol ito at napunta sa kaniyang braso ang bahaging nagliliyab.
Matapos siyang magamot ng mga medical responder, nanatili siya upang tumulong sa pag-apula ng apoy.
Wala pang kumpirmasyon mula sa Bureau of Fire Protection sa bilang ng mga nasunog na bahay at lawak ng pinsala.
Samantala, nagpaabot na ng tulong ang LGU sa mga pamilyang apektado ng sunog na pansamantalang nananatili sa evacuation area ng Barangay Sta. Maria.
Via: Angel Dumaboc



