Arestado ang 13 katao sa operasyon ng mga awtoridad laban sa umano’y Philippine Offshore Gaming Operator (POGO) hub sa isang gusali sa Barangay Hinaplanon, Iligan City, nitong Miyerkules, Oktubre 28.
Aabot sa ₱12 milyon ang halaga ng mga nakumpiskang kagamitan, kabilang ang mga computer, card scanner, gaming tables, baraha at color-game equipment.
Isinagawa ang operasyon matapos ang limang buwang imbestigasyon, kasunod ng tip mula sa isang dating empleyado.
Nahaharap ang mga naaresto sa posibleng kaso sa ilalim ng Anti-POGO Act of 2025.


