Isasagawa ang unang sesyon ng bagong halal na parlamento ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) ngayong Biyernes, Oktubre 30, bandang 1:30 p.m.
Pangungunahan ni Sheikh Muslim Guiamaden ang sesyon, kung saan pipili ng temporary presiding officer na mamumuno sa 80 miyembro ng parlamento.
Matatandaang nahalal ang mga bagong mambabatas ng BARMM sa isinagawang halalan noong Setyembre 14 at manunungkulan sila hanggang Hunyo 30, 2031.
📷 Odessa Cruz



