Natukoy ng National Bureau of Investigation (NBI) ang hindi bababa sa 60 katao na hinihinalang nanghikayat sa mga bata online na magsagawa ng pag-atake. May kaugnayan ito sa pamamaril sa isang paaralan sa Tacloban.
Ayon sa NBI-Eastern Visayas, iniimbestigahan din ang nasa 200 iba pang tao na umano'y nang-udyok sa mga batang may problema sa pamilya o paaralan upang gumawa ng karahasan.
Matatandaang tatlong mag-aaral ang nasawi at 20 ang nasugatan sa insidente sa San Jose National High School noong Hunyo 22. Dalawa naman ang naaresto kaugnay nito.



